Julie Anne nakakapaso ang alindog

Maraming kalalakihan ang nadadarang dahil muling nagpasilip ng kaseksihan si Julie Anne San Jose. Suwabe ang kanyang katawan. Lalo siyang nagbibigay ng init ngayong summer. Nakakapaso ang alindog!

Eddie, Gina naniniwala sa langit, impiyerno

Gaganap sa pelikula ang batikang aktor at aktres na sina Eddie Garcia at Gina Pareño na bumuhay sa karakter ni Manolo at Lisang. Ang istorya ng pelikulang ‘Hintayan ng Langit’ ay tungkol sa dating magkasintahan na nagkitang muli sa Purgatoryo. Muli silang magbabalik-tanaw sa mga dating alaala at magsisimula muling makilala ang isa’t isa.

Gina tinarayan ng director

Sa press payanig para Hintayan ng Langit, nakakatuwang pagmasdan na ang dalawa sa maituturing na alamat sa showbiz industry, sina Eddie Garcia at  Gina Pareño, magkasama sa presidential table at bida pa.