Noong ika-16 ng Mayo, idineklara na ng ating gobyerno ang estadong Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ para sa National Capital Region (NCR). Ito ang nagbigay daan upang magbukas na ang ilang establisimiento na naisara ng halos dalawang buwan dahil sa ECQ at upang makatulong sa pagpigil sa paglaganap ng virus na Covid-19. Kasama na dito ang mga medical clinics, na bagama’t hindi naman ipinagbawal magbukas, minabuti na din ng maraming doktor na limitahan muna ang tinitingnan sa klinika upang mabigyan ng prayoridad ang pag-aasikaso sa mga emergency cases at pati na din sa dumadaming Covid-19 patients. Ang tanong ngayon ng karamihan, pati na ang isa sa ating tagasubaybay, kailan kaya siya maaring bumisita sa clinic, na noon pang magumpisa ang lockdown ay naudlot na. Natatawagan naman daw niya ang doktor niya, ngunit kinakailangan na ding makita dahil nagkakaroon na ng pagkabalisa o anxiety.
…
Read More