Alamin ang karapatan at wala dapat pag-abuso

Wala pa raw hangganan o deadline ang gobyernong Duterte kung hanggang kailan ipatutupad ang state of emergency. Ang deklarasyon sa state of emergency ay babawiin lamang ni Pangulong Rodrigo Duterte sa sandaling matiyak na ligtas na ang bansa sa kamay ng mga terorista. Kaakibat nito ay nanawagan ang Palasyo ng Malakanyang na huwag maalarma sa […]

Malalagpasan din ang unang pagsubok

Ipinalasap na ng kung sinumang nasa likod ng pambobomba sa Davao City ang kanilang lupit hindi lamang sa inosenteng nabiktima kundi sa liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa halos mahigit dalawang buwan sa poder ng gobyernong Duterte ay ito ang kauna-unahang pinakamalaking dagok na ating maikukunsidera. Pero sa nakikita nating tatag sa pamamahala ni Pangulong […]

Mabuting ehemplo si Vice

Sang-ayon ang inyong lingkod sa paniniwala ng isang nagbo­luntaryong magpa-drug test na bise alkalde sa lalawigan ng Nueva Ecija na obligas­yon ng sinumang halal na opisyal ng gobyerno na pangunahan ang anumang hakbang tungo sa ikabubuti ng kanyang mga nasasakupan. Kagaya ng ilang mga nauna nang mga opisyales ng gobyerno mula sa national at local […]

Drug-free ‘Pinas abot-kamay na nga kaya?

Sa puspusang kampanya ng gobyernong Duterte laban sa iligal na droga maideklara nga kayang drug-free ang bansa? Ganito ang usap-usapan dahil sa maigting na kampanya kontra iligal na droga ng ating pamahalaan. Sabi mismo ni Senador Panfilo ‘Ping’ Lacson na dating ­naging pinuno ng Philippine National Police (PNP) sa ilalim ng rehimeng Estrada ay ngayon […]

EDITORIAL: May mintis pero may napatunayan

duterte-drug-problem

Nalagpasan na ng gobyernong Duterte ang unang 50-araw sa tungkulin. Kaya naman sinusukat ngayon ng taumbayan kung may napatuna­yan na ang liderato ni Pangulong Rodrigo Duterte sa loob ng 50-araw sa poder. Sa ganang amin kung tutumbukin ay ang ipinangakong paglutas sa problema sa iligal na droga ay masasabi nating umabante na ang laban dito […]

Director Eleazar nakatutok sa pagwalis sa mga bulok sa QCPD

Bilang bahagi ng pagpapaigting ng kampany­a kontra iligal na droga ng gobyernong Duterte ay isinailalim sa seminar sa anti-illegal drugs operations and investigation ang ilang miyembro ng Quezon City Police District (QCPD). Kaugnay nito ay kinumpirma ni QCPD Acting District Director Senior Supt. Guillermo Lorenzo Eleazar na natapos nang sumailalim sa apat na araw na seminar ang mga bagong miyembro ng District Anti-Drug […]

MMDA hindi pa rin damay sa pagbabago?

Ramdam na ng taumbayan ang pagbabago sa ilalim ng gobyernong Duterte kahit mahigit isang buwan pa lamang sa kapangyarihan si Pangulong Rodrigo Duterte. Unang-una sa pagbabagong nangyayari ay ang aktibong kampanya kontra iligal na droga na talaga namang walang sinasanto. Kahit sino ay sinasagasaan ni Pangulong Duterte at ni Phi­lippine National Police (PNP) Chief Ronald ‘Bato’ dela Rosa, patunay dito ang paglutang ng mga kinakaladkad na mga pulitiko, huwes, […]

Drug war lumalatay na!

Ramdam na ang epek­tong hatid ng pinaigting na kampanya kontra iligal na droga ng gobyernong Duterte. Patunay dito ang pagsuko ng halos daanlibong mga sangkot sa iligal na droga. Isa sa napakamagandang idinulot ng laban kontra iligal na droga sa pamamagitan ng inilunsad na “Oplan Tokhang” at Double Barrel ay ang pagbaba ng bilang ng krimen sa ilang bahagi ng bansa. Pero […]

Origami sa peace talks

Nagsabit sa net ng origami o ibon na gawa sa papel ang isang babae na dumalo sa ‘Origami for Peace’ event na ginanap sa World Peace Bell sa Quezon City Memorial Circle kahapon para isulong ang peace talks ng gobyernong Duterte at mga rebeldeng komunista at ipanawagan na palayain ang mga political prisoners sa bansa. (Mike Taboy)

Humihingi ng tulong ang mga makakaliwang grupo o ang tinaguriang ‘pulahan’ sa kanilang mga kasamahan sa Kongreso na suportahan at itulak ang peace talks sa National Democratic Front (NDF) para masimulan na agad ito. Ginawa ni Bayan Muna party-list Rep. Carlos Zarate ang apela sa mga kasamahan nito sa Kongreso kasabay ng kanilang inilunsad na […]