Katuparan ng adbokasya

Mukhang tuloy na talaga ang salary increase ng mga government nurse sa susunod na taon dahil parehong itinutulak ito ng mga miyembro ng Kamara at Senado. Wika pa ni Anakalusugan Party-list Rep. Mike Defensor, suportado ng Kamara ang P3.18 bilyong alokasyon sa panukalang 2020 national budget para mapondohan ang 48 percent increase sa base pay ng mga nurse sa gobyerno.
Sapat ba ang P31K para ‘di mag-abroad ang mga nurse?

Simula sa Enero 2020, matatanggap na ng mga government nurse ang dagdag sa kanilang suweldo alinsunod sa itinatakda ng batas. Tiniyak ito ng mga senador matapos ipasa ang panukalang P4.1 trilyong national budget kung saan nakasapin ang alokasyon para sa dagdag suweldo ng mga nurse.