Irebu nangmamaw ng 28-20, USTe ratsada sa stepladder

Humalimaw ang nakatakdang putungang MVP na si Grace Irebu ng 28 points, 20 rebounds at 3 blocks nang masalag ng University of Santo Tomas ang makulit na buwelta ng Adamson University 78-69 kahapon sa 81st University Athletic Association of the Philippines 2018 women’s basketball stepladder semifinals sa Big Dome sa Quezon City.