Hero cop mula sa Misamis paparangalan ng Senado

sonny-angara

Nakatakdang maghain si Senador Sonny Angara ng isang resolusyon na naglalayong parangalan si Police Senior Master Sergeant Jason Magno na namatay matapos isakripisyo ang buhay para mailigtas ang mga estudyante ng Initao College mula sa pagsabog ng granada sa Misamis Oriental.