Huwag magpadala sa takot

Hinihimok ng Ebanghelyo ang tanan ngayong Ika-12 Linggo ng Karaniwang panahon na huwag magpadaig sa takot. Ngayong nababalot ang daigdig sa pangamba dahil samu’t saring problema dulot ng kumakalat na peste, binibigyan tayo ng lakas-loob ni Hesus.

Hunyo 19, Pista ng Kamahal-mahalang Puso ni Hesus!

Itinuturing ng Simbahan bilang pinagpalang pagkakataon ang patuloy na quarantine upang mas palalimin ang debosyon sa Kamahal-mahalang Puso ni Hesus ngayong ginugunita ang ‘Month of the Sacred Heart’.

Kasama natin ang Diyos sa pakikibaka vs. COVID-19!

Ang Ebanghelyo ngayong Ikatlong Linggo ng Muling Pagkabuhay (Lc 24, 13-35) ay tungkol sa dalawang alagaad na nag-uusap sa daan patungong Emmaus matapos ang pagpanaw ni Hesus at pagkalat ng balitang ito’y muling nabuhay. Nang lumapit ang Panginoon na hindi nila namukaan, isiniwalat nila ang kabiguang taglay sa puso-“Siya pa naman ang inaasahan naming magpapalaya sa Israel!”

Hesus bukal ng tubig na nagbibigay-buhay!

Sa ating Ebanghelyo ngayong Ika-3 Linggo ng Kuwaresma (Jn 4:5-42), ginamit ni Hesus ang malinis na tubig upang ilarawan ang inilalaan Niyang walang hanggang buhay para sa tanan. Binigyang-diin ng Panginoon sa Kanyang panayam sa babaeng Samaritana na Siya lamang ang tanging makapapawi ng ating pagkauhaw sa kaligtasan.

Biyayang handog ng pagbabagong anyo ni Hesus

Tuwing Agosto 6 ipinagdiriwang ang Kapis­tahan ng Pagbabagong anyo ng Panginoon. Gayunman, maririnig taon-taon sa ikalawang linggo ng Kuwaresma ang Ebanghelyo tungkol sa kahanga-hangang pangitain na naganap sa Bundok ng Tabor (Mt 17:19) upang patatagin ang ating pagsunod kay Hesus sa mga susunod na linggo ng panalangin at pagsasakripisyo.

Pagpapatawad sa mga kaaway, daan sa tunay na kapayapaan, kabanalan!

Laking gulat ng mga tagapakinig ni Hesus nang ipahayag nito ang pagganti ng mabuti sa mga taong gumawa ng masama. Sa Ebanghelyo ngayong Ika-pitong Linggo sa Karaniwang Panahon (Mt 5:38-48) iniuutos ni Kristo sa kanyang mga alagad ang pagpapatawad sa mga kaaway, bagay na lampas-lampas sa mga kaugalian sa lipunan ng mga Hudyo at sa buong mundo ng mga pagano.

Hamon ni Kristo: Maging asin at ilaw ng sanlibutan!

Sa Ebanghelyo nga­yong ika-5 Linggo sa Karaniwang Panahon sinabi ni Hesus sa kanyang mga alagad: “Kayo’y asin sa sanlibutan, kayo’y ilaw ng mundo” (Mt. 5.13,4). Sa pamamagitan ng paglala­rawang ito inilahad ng Panginoon ang katuturan ng ating misyon at pagiging mga ‘saksi’ sa daigdig.

‘Gaudete Sunday’ paalala na Pista ng Kagalakan ang Pasko!

Ang Ikatlong Linggo ng Adbiyento ay Linggo ng ‘Gaudete’ o Pagsasaya. Inaanyayahan tayo ng Simbahan na salubungin ang Panginoon nang buong galak at kasiyahan. Sa Ebanghelyo (Mt. 11:2-11) sinasabi ni Hesus sa mga sugong padala ni Juan Bautista na dumating na ang ang Mesiyas sapagkat “ang Mabuting balita ay naihatid na sa mga dukha.”

Pusong puspos ng galak at pasasalamat sa awa ng Diyos!

Tungkol sa pagtatagpo ni Hesus at Zakeo ang Ebanghelyo ­ngayong ika-31 Linggo sa Karaniwang Panahon (Lc 19:1-10). Si Zakeo ang mayamang pinuno ng mga kolektor ng buwis sa Jerico. Nang dumalaw ang Panginoon sa lungsod, sinikap niyang makita si Hesus ngunit dahil siya’y pandak hindi niya magawa sa dami ng tao.

`Di napapagod ang Diyos sa paghahanap ng mga nawawala!

Ang tatlong talinhaga ni Hesus sa Ebanghelyo ngayong Ika-24 na Linggo sa Karaniwang Panahon (Lc 15: 1-32) ay tungkol sa paghahanap ng Diyos sa mga nawawala. Sa gitna ng ating pagiging makasalanan mahal pa rin tayo ng Panginoon! Narito ani Pope Emeritus Benedict XVI ang buod ng Mabuting Balita: “God never tires of coming to meet us, he is always the first to set out on the path that separates us from him.”