Marcelito 20 boses ang gagamitin sa finals ng ‘AGT’

Masuwerte ang Filipino singer na si Marcelito Pomoy dahil siya ang lumalabas na paborito ng mga hurado at ng studio audience ng tumatakbong “America’s Got Talent: The Champions”. Ang apat na judge ng “AGT: The Champions” ay binubuo nina Simon Cowell, Howie Mandel, Haidi Klum at Alesha Dixon.