Mailap na hustisya sa pinaslang na padre de pamilya Part 2

Maraming kadahilanan kung bakit napakabagal ng sistema ng hustisya sa ating bansa at kahit sabihin pa na noon pa man ay gumagawa na ng mga paraan ang sangay ng hudikatura upang mabago ang umiiral na napakakupad na sistema, hanggang ngayon ay nananatili pang palaisipan kung bakit hindi ito naisasakatuparan.

Hustisya sigaw sa Maguindanao massacre

Umapela sa korte ang mga kamag-anak ng mga nasawi sa Maguindanao massacre na itakda na ang paglalabas ng desisyon hinggil sa kontrobersiyal na kasong naganap may 10 taon na ang nakalilipas.

Hustisya, sigaw ng pamilya ng napatay na 16-anyos na binatilyo

Matapos ang background investigation ng isinagawa ng pulisya sa katauhan ni Mark Joseph, inihayag ni Capt. Navarro na dati ng sumuko sa kanilang barangay si Mark Joseph sa kasagsagan ng inilunsad ng “Oplan Tokhang” ng Philippine Natio­nal Police (PNP) dahil sa paggamit niya ng illegal na droga.

Hustisya, sigaw ng pamilya ng napatay na 16-anyos na binatilyo

Pumayag naman ang mag-asawang Raquel at Lornito na mapasailalim sa autopsy examination ang bangkay ng kanilang anak subalit nagulat sila dahil sinisingil pa sila ng P10,000 bilang bayad sa autopsiya sa bangkay na kalaunan ay naibaba na lamang sa P5,000.

Hustisya, nakamit kaagad ng pinaslang na dalagita

Matiyagang inisa-isa nina Col. Magdaluyo at mga tauhan ang kuha ng CCTV sa area na sakop ng Brgy. 128 hanggang makatawag-pansin sa kanila ang kaanyuan ng isang lalaki na bukod sa kasingtaas at kasing bulas ng salarin, may tattoo rin ang lalaki sa braso na kahalintulad ng gunman na pumatay kay Ronalyn na naglalakad, kasama ang isa pang lalaki.

Hustisya, nakamit kaagad ng pinaslang na dalagita

Pasado alas-tres pa lamang nang madaling-araw noong Abril 7, 2019 ay gising­ na si Ronalyn upang paghandaan ang kanilang pagdiriwang ng ika-apat na taong anibersaryo ng kanilang pagiging magkasintahan ni Jenjen.

Hustisya, nakamit kaagad ng pinaslang na dalagita

Ayon kay Aling Desiree, maagang kinuha sa kanila ng Panginoon ang una niyang asawang si Rene matapos ba­ngungutin sa pagtulong noong tatlong taon pa lamang ang kanyang anak na si Ronalyn.