Regine ‘di kayang tumbasan P1M gift ni Sharon

“Nai-stress na ako,” ang pabirong sambit ni Regine Velasquez. Ito’y nang matanong sa presscon ng Iconic concert nila ni Sharon Cuneta kung siya naman ang magbibigay ng something kay Megastar. Matatandang bigyan siya last December ng fabulous diamond ring na ang tsika ay nagkakahalaga ng kulang-kulang isang milyon.