James walang selos factor kina Sam-Nadz

Ayon kay Nadine Lustre, wala naman daw dapat ipagselos ang boyfriend niyang si James Reid sa mga eksena nila ni Sam Concepcion sa dance musical film na “Indak”. Unang-una ay magkakaibigan sila noon pa man at masaya nga raw ito para sa kanila.

Xian nag-babu sa Instagram

May drama si Xian Lim na hindi ko na uulitin pa. Para sa director ng “Tabon,” nawa’y mapangatawanan niya at hindi babawiin ang kanyang pamamaalam sa Instagram.