Mga lote ng PDIC, LandBank, DBP gustong ipasubasta ng DOF

Inutusan ni Finance Secretary Carlos Dominguez III ang Privatization Management Office (PMO) at ang Philippine Depo­sit Insurance Corp. na makipag-ugnayan sa Commission on Audit (COA) at sa mga bangkong pinapapatakbo ng pamahalaan para mapaluwang ang auditing rules at mapadali ang pagsusubasta ng ari-arian na hawak ng mga ito.