Coco, Maine nadiskubreng magkamag-anak

Kahapon sa grand presscon ng “Jack Em Poy: The Pulis Credibles” ay nabunyag na magkamag-anak pala sina Maine Mendoza at Coco Martin. Ibinunyag ito ng Dubsmash Queen nang matanong siya kung may possibility ba na ma-in-love sila sa isa’t isa ng kanyang leading man.