Mas malalim na tiwala sa plano ng Diyos sa ating pamilya ngayong 2020!
Ipinagdiriwang natin sa Linggong ito ang Kapistahan ng Banal na Mag-anak. Sa Ebanghelyo (Mt 213-15, 19-23) mababasa natin ang sakripisyo nina Jose at Maria upang matupad ang kalooban ng Diyos sa kanilang anak na si Jesus. Sa tagpo sa Mabuting Balita, mababanaag ang kabayanihan ni San Jose sa harap ng mga pagsubok bago naibalik ang mag-ina sa Israel.
…