Chopper napunta sa danger zone PNP general ayaw maputikan

Nalagay sa malaking peligro ang buhay ng 4 heneral ng Philippine National Police (PNP) dahil umano sa utos ng isa sa kanila na lumapag ang heliĀ­copter sa isang lugar na hindi maputik dahil ayaw umanong madumihan ang kanilang makikintab na sapatos, subalit lingid sa kanilang kaalaman ay may nakaambang peligro dahil sa nakahambalang na mga kable ng kuryente.