Rapper Makagago pinatunayang ogag, iboykot

Hindi ikinatuwa ng mga netizen ang pagsakay ng rapper na si Makagago sa isyu ng “Kain Pepe” clothing line na inendorso ng social media influencer na si Leng Altura.

Kain Pepe sinuka

Trending ngayon sa Facebook at Twitter ang clothing line na “Kain Pepe”. Binatikos ng mga netizen ang konseptong naka-imprenta sa mga ibinebenta nilang merchandise.