WebClick Tracer

Karaniwang Panahon – Abante Tonite

Mas ganap na buhay ang naghihintay sa kabila!

Ayon kay Pope Francis, ang Ebanghelyo ngayong Ika-32 Linggo ng Karaniwang Panahon (Lc 20:27-38) ay paanyaya upang pagnilayan ang misteryo ng muling ­pagkabuhay. Sa paghaharap ni ­Hesus at mga Sadduseo itinuwid ng Panginoon ang ­kamalian sa pag-aakalang pagbabalik lang sa dating pag-iral ang ­kamatayan at hindi basta naglaho nang ganun na lamang ang mga Patriarka gaya ng paniniwala ng aristokrasya sa panahong iyon.

Read More

Dinirinig ng Diyos ang panalangin ng mga matiyaga!

Paalala ng mga pagbasa ngayong Ika-29 na Linggo sa Karaniwang Panahon ang kahalagahan ng tiyaga, tiwala at pananampalataya sa ating pakikitungo sa Diyos. Sa Ebanghelyo sa araw na ito (Lc 18:1-8), ibinahagi ni Hesus sa Kanyang mga alagad ang talinghaga ng matiyagang balo upang hikayatin silang “manalanging lagi at huwag maghinawa.”

Read More

Higit ang pagpapala sa mga marunong magpasalamat!

Hamon ng Ebanghelyo ngayong ika-28 Linggo ng Karaniwang Panahon (Lk 17:1-19) ang pagkakaroon ng ‘utang na loob’ o pagpapakita ng pasasalamat sa mga pagpapala sa ating buhay. Sa Mabuting Balita, nagpahayag ng kalungkutan ang Panginoon na iisa lamang sa sampu niyang pinagaling ang nagbalik upang magpasalamat.

Read More

Biyayang dapat hilingin sa Diyos ang pananampalataya!

Mensahe ng Ebanghelyo ngayong Ika-27 Linggo sa Karaniwang Panahon (Lc 17: 5-10) na walang anuman ta­yong maipagmamalaki sa Panginoon. Maging ang ating pananampalataya sa Diyos ay isang biya­yang kaloob niya sa atin. Turo ng Simbahan, ang Diyos ang nagpapalago ng ‘butil ng mustasa’ ng ating pananampalataya. Inaanyayahan ang tanan ngayong araw na tugunin ang panawagan ng Diyos tungo sa lubos na pagtitiwala.

Read More

Iba ang pamamaraan ng Diyos sa tao!

Tampok sa Mabuting Balita ngayong ika-25 Linggo sa Karaniwang Panahon ang habilin ni Hesus: ‘Ang sinumang nagnanais maging una ay dapat maging huli sa lahat’ (Cfr. Mc 9: 30-37) Hindi lamang binigyang-diin ng Panginoong HesuKristo ang aral ukol sa pagpapakumbaba, pinaalalahanan din niya ang kanyang mga Apostol na sadyang iba ang pamamaraan ng Diyos sa pamamaraan ng tao.

Read More