Bank executive, ina at kasambahay, minasaker ng adik

Gayunman, nang madakip siya ng mga opisyal ng barangay, nabawi lang ng pulisya kay Delizalde ang dalawang cellular phone, P2,000 cash at 2,500 Yuan.
Bank executive, ina at kasambahay, minasaker ng adik

Nang iprisinta si Delizalde sa tanggapan ni Mayor Lim, binigyan ng pahintulot ng alkalde ang mga dumalong mamamahayag na tanungin ang suspek at walang kagatol-gatol na inamin niya ang pagpatay sa tatlong biktima.
Bank executive, ina at kasambahay, minasaker ng adik

Naging daan naman sa puspusang pag-TUGIS ng pulisya ang global positioning system (GPS) ng cellphone na isa sa mga ninakaw na gamit ni Delizalde matapos matuklasan ang pansamantala niyang panunuluyan sa maliit na hotel sa Rizal Avenue hanggang sa matunton ang kanyang kinaroroonan sa isang e-gaming center sa isang bahagi ng Tutuban Mall sa C.M. Recto matapos niyang sagutin ang mensaheng natanggap sa kanyang mobile phone.
Bank executive, ina at kasambahay, minasaker ng adik

Bukod sa kilalang drug addict at miyembro ng Sigue-Sigue Sputnik, nakasuhan na rin si Delizalde ng pagnanakaw noong taong 2010 bagama’t sa kabila ng mga ilegal niyang gawain, binigyan pa rin siya ng pagkakataon sa kanilang barangay na magbagong-buhay sa pamamagitan ng pagtatalaga sa kanya bilang barangay tanod.
Bank executive, ina at kasambahay minasaker ng adik

Habang pinoproseso ng mga tauhan ng SOCO ang lugar na pinangyarihan ng krimen, nabuo ang teorya ng pulisya na posibleng sa likurang bahagi ng bahay dumaan papasok ang salarin sa pamamagitan ng pagtawid sa estero.
Bank executive, ina at kasambahay minasaker ng adik

Sa sala ng bahay ay nakita rin ang duguang bangkay ni Evelyn na tulad ng kanyang ina ay may mga tama rin ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan at leeg.
Bank executive, ina at kasambahay, minasaker ng adik

Sa muling pag-ikot ng sasakyan, sinita na ng mga barangay tanod ang tsuper na kaagad namang nagpakilala bilang tsuper ng isang rent-a-car company nanaatasang sumundo kay Evelyn Tan upang ihatid sa Ninoy Aquino International Airport.
Bank executive, ina at kasambahay minasaker ng adik

Ayon kay Mang Felix, mahabang panahon siya naglingkod bilang trabahador sa malapit na kaanak ng mag-ina na si Fermin Tan at sa katunayan, napagtapos niya sa pag-aaral ang kanyang mga anak sa tulong ng kanyang amo.
Bank executive, ina at kasambahay minasaker ng adik

Subalit dahil ibinabahagi nila ang biyayang tinatamasa sa mga maralitang pamilya at mga batang palaboy sa lansangan, naging simple lamang ang pamumuhay nilang mag-ina na hindi maikakailang kapwa matulingin sa kapuwa.
Bank executive, ina at kasambahay minasaker ng adik

Kung tutuusin, hindi lamang ang mga bantog na bayani o kilalang mga tao tulad nina Mahatma Gandhi, Mother Theresa o mga bayaning tulad nina Jose Rizal, Andres Bonifacio at iba pa ang nag-iwan ng alaala sa taumbayan sa mga nagawa nila sa sangkatauhan at sa bayan kundi may mga ordinaryong tao rin na maagang kinuha ng kamatayan subalit nananatiling buhay ang mga nagawa nilang kabutihan sa kapwa.