Simbang Gabi sa St. Peter’s pinangunahan mismo ni Pope Francis!
Sa kauna-unahang pagkakataon sa kasaysayan, pinangunahan ng Santo Papa ang Simbang Gabi sa Vatican City noong Linggo, Disyembre 15. Dinaluhan ng humigit kumulang pitong libong OFW ang Misa de Gallo ni Pope Francis kung saan mga Pilipino ang nagbasa at umawit sa makasaysayang pagdiriwang.
…