Murphy paulan ng tres; SMB pinapak ang RoS

NAGSALPAK ng 5-of-8 na 3-pointer si Kevin Murphy patungo sa 26 points, 6 rebounds at 3 assists at 1 block para kargahin ang San Miguel Beer sa pagsenglot sa Rain or Shine, 109-97, sa Petron Saturday Special ng PBA Governors Cup elims kagabi sa Alonte Sports Arena sa Biñan City.

TNT nawalan ng signal kay Murphy, San Miguel lunod sa serbesa!

Sa first three quarters ay binu-bully at hina-harass ng TNT KaTropa si Kevin Murphy, iniipon lang pala ang lakas at nang magwala sa fourth ay hindi napigilan nang ihatid ang San Miguel Beer sa 107-95 win sa Petron Saturday Special ng PBA Governors Cup sa Calasiao, Pangasinan kagabi.