Prangkisa ng Mislatel umiiral pa rin

Sa pagdinig ng Senado nitong Miyerkoles, idiniin ng Mislatel na binansagang ikatlong telco (telecommunication) sa bansa na dumaan ito sa estriktong post-qualification screening ng National Telecommunications Commission (NTC) at bago ang pagdinig ng Kongreso ay kinumpirma ng Kamara ng mga Representante sa NTC na may bisa pa rin ang prangkisa nito.