Pope Francis: Susi sa mabunga at pinagpalang buhay!

Tungkol sa ‘misyon’ ani Papa Francisco ang Ebanghelyo ngayong ika-14 na Linggo sa Karaniwang Panahon (Lc 10:1-9). Kinuha ng Diyos ang inisyatiba at inaanyayahan Niya tayo na makiisa sa gawaing pagliligtas kalakip ang biyayang naghihintay sa atin sa langit. Ang Panginoon ay nananawagan upang makibahagi tayo kanyang layunin.

MATEO 10:38-39

Banal Aral

Ang hindi nagpapasan ng kanyang krus at sumusunod sa akin ay hindi karapat-dapat sa akin. Ang nag-iingat ng kanyang buhay ay siyang nawawalan nito, at ang nawawalan ng kanyang buhay dahil sa akin ay magkakamit nito.

HEBREWS 6:4-6

Sapagkat paano pang mapagsisisi at mapa­nunumbalik ang mga tumalikod? Dati’y naliwanagan na sila, nakalasap ng kaloob ng langit,­ at naging kabilang sa mga tumanggap ng Espi­ritu Santo. Nakalasap na rin sila ng kabutihan ng salita ng Diyos, at nakadama ng kapangya­rihan ng Diyos na lubusang mahahayag sa panahong darating. Kung sila’y tumalikod pagkatapos malasap ang […]