Ginawang bibingka ang Meralco consumers

Inihalintulad ng mga kurimaw nating pawisan dahil sa init ng panahon na parang bibingka raw ang mga consumer ng Meralco na nagbayad ng kanilang billing ng kuryente sa pamamagitan ng isang online application.
Lineman buwis-buhay sa pagtanggal ng saranggola sa kable

Buwis-buhay na tumulay sa kable ng kuryente ang isang lineman ng Meralco para lamang matanggal ang sumabit na saranggola.
Chopper napunta sa danger zone PNP general ayaw maputikan

Nalagay sa malaking peligro ang buhay ng 4 heneral ng Philippine National Police (PNP) dahil umano sa utos ng isa sa kanila na lumapag ang helicopter sa isang lugar na hindi maputik dahil ayaw umanong madumihan ang kanilang makikintab na sapatos, subalit lingid sa kanilang kaalaman ay may nakaambang peligro dahil sa nakahambalang na mga kable ng kuryente.
Singil sa kuryente ng IEMOP iligal — Nograles

Kinastigo ni House energy committee vice chairman Jericho Nograles ang Independent Electricity Market Operator of the Philippines Inc. (IEMOP) dahil sa umano’y iligal na paniningil sa mga consumer.
Mangangatay patay sa kuryente

Patay ang isang ‘butcher’ nang makuryente sa ginagawa niyang electric fan kung saan posibleng dahil sa lakas ng dumaloy na boltahe sa katawan ay tumilapon ito sa ilog na nasa tabi ng kanilang tahanan sa Barangay Obrero, Quezon City nitong Huwebes ng gabi.
Taas singil ng Transco pinababasura sa ERC

Hiniling ng isang grupo ng mga consumer sa Energy Regulatory Commission (ERC) na ibasura ang petisyon ng National Transmission Corp. (Transco) para sa mas mataas na singil sa feed-in tariff allowance o FIT-All na magpapamahal sa presyo ng kuryente.
Singil sa kuryente tataas

Magmamahal ang singil sa kuryente ngayong Nobyembre ng 47.17 sentimo per kilowatt hour na katumbas ng pagtaas na P94 sa monthly bill ng mga pamilyang kumokonsumo ng 200kWh sa isang buwan.
Lahat ng tanggapan, gusali ng gobyerno lagyan ng solar panel — Recto

Para matipid sa gastos sa kuryente, itinutulak ni Senate President Pro-Tempore Ralph Recto ang panukalang kabitan ng solar energy system ang lahat ng gusali at tanggapan ng gobyerno.
Binata nakuryente sa paghuli ng panlabang gagamba

Patay na nang matagpuan ang isang 19-anyos na lalaki matapos umano itong makuryente habang nangunguwa ng panlabang gagamba sa bayan ng Ipil sa Zamboanga Sibugay kamakalawa.
Power shortage kontrolado – Palasyo

Kinalma ng Malacañang ang publiko sa posibilidad na makaranas ang bansa ng sunod-sunod na brownout ngayong panahon ng tag-init.