Jho balik-pugad ng Lady Eagles

Muling isusuot ni ace spiker Jhoana Louisse Maraguinot ang kanyang Lady Eagles jersey nang magdesisyong gamitin pa ang panlima at huling playing year sa Ateneo de Manila University sa UAAP Season 82 womens indoor volleyball tournament sa darating na Pebrero.