₱200K reward para sa hustisya ng pinatay na Malabon kagawad

Nagbigay ng P200,000 na reward si Malabon City Mayor Antolin ‘Lenlen’ Oreta III kahapon, sa sino mang makapagbibigay ng impormasyon na makakapagturo na nasa likod ng pagpatay kay Kagawad Rodrigo Tambo na itinumba kamakalawa sa nasabing lungsod.