Ang batas ng Diyos!

Kalooban ng ­Diyos na tayo ay tunay na maging pinagpala. Mahal tayo ng Panginoon; kaya nga nais Niya tayong maging lubos na maligaya. Sa Kanyang pag-ibig at karunungan inilahad niya sa sangkatauhan ang Kanyang ‘batas’ o mga utos, upang tayo ay magabayan tungo sa landas ng kabutihan at kabanalan.