Turuang gumasta habang bata

Maaga akong namulat sa pagba-budget. Bata pa lang kasi, pinababaunan na ako ng pera ni Mommy sa eskuwelahan. Kaya kung may gusto akong bilhin, pinag-iipunan ko ito. Ibig sabihin, ­titipirin ko ang allowance para makaipon ng pambili.