Negosyante, kasabwat tinimbog sa pagbebenta ng quarantine pass

Nbi agent kulong sa pang-aarbor ng kaso

Isang negosyante at kasabwat nito ang dinakip sa isinagawang entrapment operation ng Malolos City police makaraang magbenta ang mga ito ng pekeng quarantine pass para sa gustong makalusot sa mga checkpoint sa halagang P40 bawat isa sa Sityo Kabyawan, Barangay Mojon, Malolos City, Bulacan kamakalawa ng tanghali.

Babaeng tulak, 13 adik nakorner sa Meycauayan

Labing-apat na drug suspect kabilang ang 58-anyos na babaeng tulak ang nadakip sa magkasunod na buy-bust operation at drug raid sa Brgy. Caingin, Meycauayan City, Bulacan Biyernes ng hapon.

Boobsy hinipuan, bosero yumuko pa sa ilalim ng palda

Inaresto ang isang lalaki nang dalawang beses nitong himasin ang malulusog na ­dibdib ng isang dalagita at silipan pa ang biktima gamit ang ilaw ng cellphone ­habang ito ay nakatayo, nakapalda at naghihintay ng masasakyan sa Barangay Longos, Malolos City, Bulacan kamakalawa.

18 sugarol pinagdadampot

Labing-walo katao ang nadakip ng awtoridad makaraang magsagawa ng anti-illegal gambling operation ang Bulacan PNP sa Malolos City, Meycauayan City at bayan ng Pulilan at Bocaue kamakalawa.

3 lolo na most wanted sa rape dinampot

Tatlong lolong rapist na pawang kabilang sa Most Wanted Person sa Bulacan ang sunod-sunod na natimbog makaraang salakayin ng pulisya na armado ng warrant of arrest ang kanilang hide-out sa Nueva Ecija, Malolos City at San Jose del Monte (SJDM) City, Bulacan kamakalawa.

Medical mission ni Cong. Alvarado patuloy sa Bulacan

Tiniyak ni Cong. Jose Antonio Sy-Alvarado na patuloy na makikinabang ang mga mamamayan sa unang distrito ng Bulacan sa mga medical mission at livelihood program ng kanyang ­tanggapan ­bukod pa sa ­‘Peoples Day’ para ­maasikaso niya ang kanyang ­kadistrito na humihingi ng tulong.

Marlins nilunod ni Melencio, Strikers

Marlins nilunod ni Melencio, Strikers

Sumambulat ng 14 points, 7 rebounds, 4 assists at 1 steal mula sa bench si Chestern Ian Melencio upang pamunuan ang Bacoor Strikers sa pagpapatimbuwang sa SOCCSKSARGEN Marlins, 65-60, sa 3rd Maharlika Pilipinas Basketball League 2019 Lakan Cup eliminations Huwebes nang hapon sa Bulacan Capitol Gymnasium sa Malolos City.

500 katao magdo-donate ng dugo sa Bulacan

500 katao magdo-donate ng dugo sa Bulacan

Patuloy sa pangangalap ng dugo ang Damayang Filipino Movement, Inc. (DFMI) sa pangunguna ng tagapagtatag nito na si Gob. Daniel Fernando sa malawakang Mobile Blood Donation na gaganapin sa Hulyo 26, 2019, ganap na alas-otso nang umaga hanggang alas-tres nang hapon na inaasahang dadagsain ng 500 katao sa Bulacan Capitol Gymnasium sa Malolos City.

Ramirez, PSC nagpalabas ng 8.4M para sa PNPG

Ramirez, PSC nagpalabas ng 8.4M para sa PNPG

Naglabas ng P8.4 million ang Philippine Sports Commission para sa tulong pinansyal sa Philippine Paralympic Committee 7th Philippine National Para Games 2019 sa Mayo 26 sa Bulacan Sports Complex, Malolos City.