Parada kontra child prostitution isasagawa

Bilang paggunita sa ika-26th National Children’s Month, magsasagawa ang National Parks Development Committee (NPDC) ng ‘Children’s Parade Against Child Prostitution’ ngayon upang manawagan ng suporta sa proteksyon ng mga bata laban sa lahat ng uri ng pag-abuso at sexual exploitation.