Paglikida sa narco mayor planado — MPD

Kaso ng 3-anyos na napatay sa buy-bust sinisiyasat

Pinagplanuhang mabuti at mga bihasa ang mga suspek na nasa likod ng pagpaslang sa alkalde sa isang bayan ng Maguindanao, na nasa ‘narcolist’ ni Pangulong Rodrigo Duterte, noong Pebrero 11 sa harap ng isang hotel sa Malate, Maynila.

2 Chinese sa Taguig ambush bagong laya

Kalalaya pa lamang sa Bicutan Jail ng dalawang Chinese National na inambus at napatay kasama ang kanilang Filipino driver kamakalawa ng hapon sa harap ng tanggapan ng Department of Science and Technology (DOST), ilang bloke ang layo sa Headquarters ng National Capital Region Police Office (NCRPO).

Mga bawal dalhin sa Traslacion 2020

Pinaalalahanan ng Manila Police District (MPD) ang mga debotong dadalo sa Traslacion 2020 na huwag nang magdala ng mga ipinagbabawal na bagay sa prusisyon.

Cable wire sa Jones bridge binaklas, ninakaw

Arestado ng mga nagpapatrul­yang tauhan ng Manila Police District (MPD) ang isang lalaki na aktong ninanakaw ang cable wire ng pinagandang Jones bridge kamakalawa sa Maynila.

Babaeng nagpakain ng aso pinagbabaril

Blangko pa ang mga imbestigador ng Manila Police District – homicide section sa motibo sa pagpaslang sa isang babae na pinagbabaril ng solong gunman matapos magpakain ng aso kamakalawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Pulis na nanakit ng binatilyo arestuhin — MPD chief

Inutos ni Manila Police District (MPD) director Police Brig. Gen. Bernabe Balba ang pag-aresto sa isa niyang tauhan na nag-viral sa social media dahil sa ginawang pananakit sa isang 12-anyos na binatilyo na nakasira sa side mirror ng kanyang sasakyan sa Pandacan, Maynila kamakailan.

Nakakulong na gang member natagpuang nakabigti

Iniimbestigahan ngayon ng Manila Police District – homicide section kung binigti o kusang nagbigti ang isang inmate na miyem­bro ng Sigue-sigue Sputnik na natagpuang nakabigti sa loob ng CR ng selda 11 at 12 kamakalawa ng gabi sa Manila City Jail (MCJ) sa Sta. Cruz, Maynila.

MPD bokya pa sa nilikidang DOLE lady exec

Blangko pa sa kanilang imbestigasyon ang Manila Police District (MPD) sa naganap na pananambang sa senior labor and employment officer ng Department of Labor and Employment (DOLE) kamakalawa sa Malate, Maynila.