Christmas wish kina Nora, Vilma, Sharon, Maricel

Bisperas ng Pasko. Ano pa nga ba ang mas gusto pa nating mapanood o mabasa tungkol sa mga artistang hindi pwedeng pagduduhan ang estrella ng mga karera? Mas gusto ba nating mas marami pang eskandalo, sex, photo or bidyo scandals? Mas may pagnanasa ba tayong mas marami ang mabuntis? May hangad ba tayong mas marami pa ang maghiwalay ang mga de-kolor at puti? Mas maraming international recognition at panalo para sa ating mga pelikula?