Mister na pumatay sa asawa humiling na mapawalang-sala

Matapos ang pagpi-prisinta ng tagausig ng mga ebidensiya, pati na rin ang depensa ng mga testigo at pagsasailalim sa kanila sa cross examination, napatunayan ng hukuman na nagkasala ng walang pag-aalinlangan sa kasong parricide si Manuel noong Agosto 18, 2009 at pinatawan ng parusang reclusion perpetua.

Mister na pumatay sa asawa humiling na mapawalang-sala

Matapos ang ginawang pagpi-prisinta ng mga ebidensiya at testigo ng tagausig, iniharap naman ni Atty. Emelinda Maquilan bilang testigo ng depensa sina Benito Billota na nakatabi ng akusado sa sinakyang bus patungong Tacloban city at Nerissa Alcantara, ang Administrative Officer at Office-In-Charge ng Records Section ng Eastern Visayas Regional Medical Center­ (EVRMC).

Mister na pumatay sa asawa humiling na mapawalang-sala

Hindi na isinailalim sa preliminary investigation ng tagausig ang usapin dahil sapat na ang mga testigo na nakasaksi sa pangyayari kaya’t nai-akyat kaagad sa Tacloban City Regional Trial Court (RTC) ang kaso kung saan isinagawa ang pag-raffle.

Mister na pumatay sa asawa humiling na mapawalang-sala

Hindi pa nasisimulan ang paghahain ng pagkain nang marinig ni Gng. Angeles ang pagsigaw ng kanyang anak na si Auria mula sa kanilang silid ng mag-asawa na humihingi ng saklolo dahil aniya ay papatayin siya ng kanyang asawa.

Mister na pumatay sa asawa humiling na mapawalang-sala

Una’y nagdadalawang-isip pa si Manuel na tanggapin ang alok ng biye­nang babae subalit nang mamatay sa sakit ang isa nilang anak, nagpasya siyang iuwi na sa naturang lalawigan ang mag-ina at siya na lamang ang mana­natili sa Maynila upang gampanan ang kanyang trabaho.

Mister na pumatay sa asawa humiling na mapawalang-sala

Sa paniwala naman ng isang mahistrado ng Korte Suprema, hindi na bago ang pagkakaroon ng matinding pag-aaway ng isang mag-asawa subalit hindi makatarungan kung tatapusin sa dahas o pagpaslang ng lalaki ang matinding alitan at akusasyon sa pagitan nila ng kanyang maybahay dahil ang pagpaslang ng isang ama ng tahanan sa kanyang kabiyak na kung tagurian ay kaso ng parricide ay maituturing na kakila-kilabot na pamamaraan na may mas mabigat na kaparusahan kumpara sa kasong pagpatay.