Barangay chairman, MSWD official kinasuhan sa SAP

Ipinag-utos kahapon ni Police Regional Office (PRO) 6 Regional Director Police Brig. General Rene Pamuspusan ang pagsasampa ng kaso sa isang barangay chairman ng Isabela, Negros Occidental at opisyal ng Municipal Social Welfare Development (MSWD) dahil umano sa iregularidad nang pagbibigay ng Social Amelioration Program (SAP).