ANG AABANGAN KAY CHIEF

Si Chief Inspector Mark Joseph S. Laygo ay criminology graduate sa University of Manila bago nag-lateral entry sa Philippine National Police. Naging provincial officer ng Cavite Highway Patrol Group, operation chief ng Cavite Police Provincial Office, nag-chief of police sa Carmona at Kawit bago napunta sa kasalukuyan niyang posisyon sa Rosario Muni­cipal Police Station. May 18-taon na siya sa serbisyo at tumanggap na rin ng ilang Medalya ng Kagitingan at Kagalingan sa matatagumpay na police operations na kanyang pinangunahan.

Pagbabago ang ipinangako ni Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang pag-upo sa Malacañang at pangunahin dito ang pagsugpo sa iligal na droga at kriminalidad gayundin ang paglilinis sa hanay ng kapulisan. Nagsagawa ng panayam ang Abante TONITE sa mga chief of police ng bawat bayan at siyudad sa Metro Manila at maging sa mga karatig-lalawigan kung […]