Pia game palitan si Angel

Pagkatapos na tanggihan ni Angel Locsin na gumanap na Wave, ang bagong Pinay superhero na ini-envision ng Marvel co-creator at designer na si Leinil Yu para sa susunod na franchise movie ng Marvel Cinematic Universe, may kanya-kanya namang bet ang mga netizen.

Nadine bet ipalit kay Angel

Pagkatapos na magpahayag si Leinil Yu, Filipino artist na bet niyang si Angel Locsin ang gumanap bilang Wave, nanganak ito ng iba’t ibang espekulasyon.