16-ANYOS KUMANTA SA MICHAEL ANGELO SLAY

Base sa inisyal na pagsisiyasat, lumilitaw na naganap ang pagpatay ng grupo ng kabataan sa kapwa binatilyong biktima noong Agosto 27 ng madaling-araw at sinasabing nakainom si Michael Angelo at nanggugulo kaya humantong sa pa­nanaksak saka ito isinako at itinapon sa ilog sakop ng Caloocan City at anu­rin patungong Bulacan.

SALON OWNER HINAHANTING

“Mayroon na kaming person of interest sa kaso ng pagpatay kay Michael Angelo at nakikipagtulu­ngan na kami sa Caloocan City police para masigurong maiimbitahan namin ang taong maaaring siyang magbigay ng linaw sa pagkamatay ng binatilyo,” ayon kay P/Supt. Fitz Macariola, SJDM City police chief.