Nagpaiksi ng buhok: Kim hiwalay na kay Mike Acuña

Inamin na ng Kapuso actress na si Kim Domingo na tinapos na nila ng PBA Player na si Mike Acuña ang mahigit tatlong taon nilang relasyon. Mag-iisang buwan na raw siyang single. Nilinaw rin niya na walang naganap na third party.

MayWard sold-out ang album launch

Grabe ang suporta ng mga fan sa grand album launch nina Maymay Entrata at Edward Barber. Ibinalita sa amin ng kaibigang Aaron Domingo na sold-out ang tickets ng payanig ng MayWard. Gaganapin ito sa April 28, 6:00 PM sa SkyDome ng SM North EDSA, Quezon City.