MATEO 19:8-9

Sumagot si Jesus, “Dahil sa katigasan ng inyong ulo kaya ipinahintulot ko si Moises na hiwalayan ninyo ang inyong asawa. Subalit hindi gayon sa pasimula. Kaya sinasabi ko sa inyo: sinumang lalaking humihiwalay sa kanyang asawa sa anumang dahilan libas sa pakikiapid, at mag-asawa sa iba, ay nangangalunya. [At ang mag-asawa sa babaing hiniwalayan ay […]
MATEO 17:1-3

Pagkaraan ng anim na araw, isinama ni Jesus si Pedro, at ang magkapatid na Santiago at Juan, at sila’y umakyat sa isang mataas na bundok. Samantalang sila’y naroon, nakita nilang nagbagong-anyo si Jesus: nagliwanag na parang araw ang kanyang mukha, at pumuting parang busilak ang kanyang damit. Nakita na lamang at sukat ng tatlong alagad […]
EXODUS 33:11

Ang pakikipag-usap ni Yahweh kay Moises ay tuwiran, tulad ng pakikipag-usap sa kaibigan. Pagkatapos, si Moises ay bumabalik na sa kampo ngunit naiiwan sa tolda si Josue, ang katulong niya.
JOSHUA 11:12

Nalupig din ni Josue ang lahat ng mga haring iyon at sinakop ang kanilang mga lungsod. Pinatay niyang lahat ang mga tao, gaya ng iniutos ni Moises.
EXODUS 15:25

Dahil dito, dumaing si Moises kay Yahweh. Itinuro naman sa kanya ang isang putol na kahoy. Kinuha ito ni Moises at inihagis sa tubig; nawala ang pait niyon. Doon, sinubok sila ni Yahweh at binigyan ng tuntunin.
EXODUS 20:20

Sinabi sa kanila ni Moises, “Huwag kayong matakot, sapagkat sinusubok lang kayo ng Diyos. Ibig lang niyang magkaroon kayo ng takot sa kaniya pagkat ayaw niya kayong magkasala.”
EXODUS 14:13

Sumagot si Moises, “Lakasan ninyo ang inyong loob; huwag kayong matakot. Tingnan na lang ninyo kung paano kayo ililigtas ngayon ni Yahweh. Hindi na ninyo makikita uli ang mga Egipciong iyan.
EXODUS 20:20
Sinabi sa kanila ni Moises, “Huwag kayong matakot, sapagkat sinusubok lang kayo ng Diyos. Ibig lang niyang magkaroon kayo ng takot sa kanya pagkat ayaw niya kayong magkasala.”