Test run ng Dalian train extended

Palalawigin ng pamunuan ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3) at Department of Transportation (DOTr) ang inisyal na trial period ng Dalian train.

Ex-MRT manager Vitangcol lusot sa graft

Dahil sa kawalan ng sapat na ebidensya, pinawalang-sala ng Sandiganbayan sa kasong graft si dating Metro Rail Transit-3 (MRT-3) General Manager Al Vitangcol.

Kambal na aberya

Kahapon ay halos sabay na nagkaaberya ang LRT-2 at MRT-3. Kung tutuusin, hindi na bago ang ganitong problema sa sitwasyon ng mga tren sa ating bansa. Halos araw-araw na itong nangyayari na mas nakakapanibagong marinig na naging maayos ang biyahe ng mga tren at walang naging aberya.

MRT-3 nalugi sa DOTr takeover — COA

Sa kabila ng madalas na pagmamayabang ng Department of Transportation (DOTr) tungkol sa nagawa na nito para sa Metro Rail Transit (MRT) Line 3, sinabi ng Commission on Audit (COA) na ang performance ng nasabing transit system noong 2018 ang pinakamahina batay sa passenger ridership at ticket sales.

Kable ng MRT sa Shaw, ninakaw

Nahaharap sa kasong theft ang dalawang lala­ki matapos mabuking ang pagnanakaw nila ng kable ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) sa Shaw Blvd. Station, Mandaluyong City kamakalawa nang madaling-araw.

Maintenance shutdown ng MRT-3

Eksakto naman sa pag-anunsyo sa 1-linggong maintenance break sa operasyon ng Metro Rail Transit-3 (MRT-3), nadiskaril na naman kamakalawa ang isa nitong tren. Umusok at lumiyab pa nga ang ilalim nito kaya apura­hang pinababa ang mga pasahero sa gitna ng riles. Tsk, tsk! Mukhang kailangang-kailangan na nga ang malawakang pagkukumpuni at rehabilitasyon ng MRT-3. Sa […]

Chinese walang modo sa MRT, pulis binuhusan ng taho

Arestado ang isang Chinese national na babae matapos sadyaing buhusan ng taho ang isang pulis makaraang pagbawalan na ipasok ang kanyang dalang soya food o taho para sumakay ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT-3) kahapon nang umaga sa Boni Avenue, Mandalu­yong City.