Giselle, Marissa, Eric balahuraan sa tribute kay Rico J

Una muna, gusto kong papurihan si Eric Nicolas na siyang nag-impersonate sa singing icon. Plakadong-plakado niya ang the moves, swagger, pati na rin ang pagde-deliver ng mga naughty at censorable joke. Panalo rin siyang ma-adlib. Alam mong matalino at witty si Nicolas kasi he veered away from the script many times pero naiĀ­babalik niya ito at ang kanyang mga adlib, mas lalong nagpapahalakhak sa packed crowd sa The Theatre.