3 Dinakma sa Bentahan ng shabu sa Manila Cathedral parking

Nabitag ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office-National Capital Region (RO-NCR) ang tatlong itinuturing na ‘high value targets’ o HVT at nakumpiska sa kanila ang umaabot sa P3.4 milyong halaga ng shabu sa buy-bust operation sa parking area sa Manila Cathedral, Intramuros, Manila, kahapon nang hapon.

Suspek sa pinatay na titser sa klase, nabitag

Matapos ang apat na buwang pagtatago, naaresto rin ng mga awtoridad ang lalaking brutal na pumatay sa kaniyang karelasyong guro sa Bacuitana Elementary School sa Barangay Hindang kamakailan.