Maleta at pag-eempake

Napanaginipan kong nag-eempake raw ako. ‘Yung eksena nakalatag ang malaking maleta sa ibabaw ng bed ko at naglalagay ako ng mga da­mit ko sa maleta. Kitang-kita ko ang sarili ko habang isa-isang niro-roll ‘yun mga damit at maayos kong isinasalansan sa maleta. Iyon lang ang natandaan ko kasi ginising na ako ng asawa ko.