‘Bulkan ka lang, Pinoy kami’

Maligayang araw sa mga nagbabasa ng Tonite! Nakakatuwa naman na maraming nagbibigay ayuda sa biktima ng pagsabog ng Bulkang Taal. Nandiyan ang nagbibigay ng pagkain, tubig at mga damit na mula sa iba’t ibang orga­nisasyon at indibiduwa lalo na ang pagbibigay ng mga magsasaka mula sa Benguet ng trak-trak na gulay. Salamat sa pagmamalasakit.

Huwag na tayong magpaputok

Nakakatuwa na sa pagsalubong natin sa taong 2020 ay iilan na lamang ang nagpaputok. ‘Di hamak na malaki ang binaba ng bilang ng mga nasugatan dahil sa paputok ngayong taon. Sana ay magpatuloy pa ang pagbaba ng bilang na ito hanggang sa wala nang masusugatan o mapuputulan ng kamay dahil lang sa pagpapaputok.

Good vibes hatid ng mga atletang Pinoy

Nakakatuwa ang suportang binibigay ng bawat Pilipino sa mga atleta natin na lumalaban sa Southeast Asian Games. Ngayon nangibabaw ang iba’t ibang kuwento nila para makamit ang karangalan ng bansa.

Very memorable sa akin ang MMFF

Nakakatuwa dahil nangunguna tayong mga Pinoy sa SEA Games sa dami ng nakuha nating gold sa iba’t ibang categories. Tapos maganda rin ang opening, nakakaki­labot. Dun mo mare-realize na marami na ring na-achieve ang mga Pinoy or bansa natin. Nakita ko rin ang mga kinalakihan kong mga athlete. Bata pa ako, kilala at naririnig ko na sina Lydia De Vega, Alvin Patrimonio, Paeng Nepomuceno at marami pang iba na makikita mo sa opening ng SEA Games.