Ninang sa kasal

Napanaginip ko po ang ninang ko sa kasal. Medyo close po ako sa kanya at namatay siya may tatlong taon na ang nakakaraan. Sa panaginip ko, palapit siya sa akin, maaliwalas ang mukha at parang may gusto siyang sabihin. May hawak po siyang prutas na mukhang ponkan. Doon na po natapos ang panaginip ko.