Patay na sanggol

Nanaginip po kasi ako na may hawak ako na baby na patay. Sa panaginip ko po kasi, pauwi na ako sa bahay at sumakay po ako ng motor tapos sa nadaanan po namin, may baby tapos kinuha ko po. Pag-uwi ko sa bahay, patay na po ‘yung baby. Ano po ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Naagawan ng girlfriend

Ano po ibig sabihin nanaginip ako na nakikipagtalik ako sa girlfriend ko tapos may dumating bigla na isang lalaki. Iyon ang lalaking nagkagusto sa kanya. Pagkatapos nakita ko na lang sa panaginip ko na magkasama sila at naging sila na. Nakipaghiwalay na daw sa akin ang girlfriend ko.

Pinatay ang girlfriend

Nanaginip akong ka-date ko ang girlfriend ko tapos daw ay naglalaro ako ng balisong. Then nang naglalakad na kami hinarang kami ng isang holdaper na may dala ring balisong. Nahawakan niya ang girlfriend ko at itinutok ang kanyang balisong sa leeg ng girlfriend ko. Hindi ako makakilos dahil sa pagkabigla, biglang ginilitan ng holdaper ang girlfriend ko hanggang sa maputol ang kanyang leeg.

Inang namatay nabuhay sa kabaong

Gusto ko lang po malaman ang kahulugan ng a­king panaginip. Nana­ginip po ako na nasa kabaong ang aking ina, at nang yakapin ko ang kabaong hinawakan niya ang aking kamay at nakita ko po na gumalaw ang kanyang mga mata at humihinga. Ano po ang kahulugan nito?

Utang sa credit card

Nanaginip ako tungkol sa utang. Isang credit card billing statement ang nakita kong pinag-aaralan ko daw. Mahaba daw ang listahan. Sa totoong buhay, wala naman akong credit card. Ano po ang ibig sabihin ng aking­ panaginip?

Boses sa panaginip

Nanaginip akong may naririnig daw akong nagsalita. Hindi ko na maalala kung anong sinabi ng boses. Pero sumagot pa raw ako at nagtanong ng “ano ‘yun?” Dito ako nagising, parang nag-e-echo pa sa isip ko ‘yung boses ko.

Nauulol na aso

Nanaginip po ako ng asong nauulol na tumatahol. Kinagat daw ako ng aso sa legs at nakita kong nawakwak ang laman ko. Hinabol pa rin ako ng aso at sinundan hanggang sa tumalon ako sa isang mataas na lugar. Sa labas ng kalye, ang dami pong asong nagtatahulan.

Dream Catcher

Nanaginip po akong dumudumi at kahit anong flush ko ay ‘di raw po lumulubog kaya diring-diri ako. At the same night, nanaginip ulit ako na ibinabaon naman sa lupa ang dumi ng aking apo. Ano po ba ang implikasyon ng panagi­nip ko sa aking buhay?

Manok at baby girl

Dear Dreamcatcher,
Good day! Nanaginip po ako na may dala akong inahing manok.Dinalo ko daw ang manok sa bahay ng kaibigan ko.