Ninang sa kasal

Napanaginip ko po ang ninang ko sa kasal. ­Medyo close po ako sa kanya at namatay siya may tatlong taon na ang nakakaraan. Sa panaginip ko, palapit siya sa akin, maaliwalas ang mukha at parang may gusto siyang sabihin. May hawak po siyang ­prutas na mukhang ponkan. Doon na po natapos ang ­panaginip ko.

Pumutok muli ang bulkan

Ako po ay taga-Batangas at napanaginip ko pong pumutok daw uli ang Bulkang Taal. Sa panaginp ko, nandun­ lang ako sa bahay namin pero naabot daw po ang bahay namin. Sa totoo po ay napakalayo naman namin sa bulkan, wala na po kami sa danger zone pero sa panaginip ko po ay umabot daw sa bubong ng bahay namin ang malaking­ bato na galing sa bulkan.

Nahulog sa kanal

Napanaginip ko pong tumatakbo raw ako tapos pagliko sa may daan ay nahulog ako sa kanal. Ramdam na ramdam ko po ang pagbagsak ko at paggising ko ay parang naaamoy ko.pa ang tubig kanal.

Snow sa panaginip

Napanaginip kong nag-snow daw. Ramdam na ramdam ko raw ang lamig at ang pagpatak ng snow sa aking­ balat. Sa totoong buhay ay hindi pa ako nakakaranas ng snow dahil dito lang ako sa Pilipinas. Ano po ang ibig sabihin ng snow sa panaginip.

Pagnanasa sa kaibigan

Napanaginip kong ka­yakap ko ang kaibigan kong babae at parang senswal daw ang dating na parang mag-jowa kami. Sa panaginip ko, ang friend ko ang nag-initiate ng yakapan at hawakan kaya parang awkward ang da­ting sa akin. Nang med­yo nagiging mas agresibo na ang paghawak sa akin ng friend ko ay nagising na ako. At sa buong araw, parang bothered ako sa napanaginip ko? Ibig sabihin ba nu’n ay puwedeng ­lesbian ako?

Shopping

Napanaginip kong nasa isang shopping mall daw ako. Pasok ako nang pasok sa mga boutique dahil meron daw akong hinahanap at gustong bilhin.

Napanaginip ang isang aktres

Napanaginip ko ang aking paboritong aktres. Sa panaginip ko parang classroom ang paligid at nasa harap ang idol ko.