WebClick Tracer

Napanaginipan – Page 2 – Abante Tonite

Bodega at mga kahon

Napanaginipan kong nasa isang kuwarto ako. ‘Yung kuwarto parang bodega talaga siya. Meron daw mga kahon at abala ako sa pagsasalansan ng mga kahon. Iyon lang ang natandaan ko sa panaginip ko. Ano po ang ibig sabihin ng panaginip ko?

Read More

Maleta at pag-eempake

Napanaginipan kong nag-eempake raw ako. ‘Yung eksena nakalatag ang malaking maleta sa ibabaw ng bed ko at naglalagay ako ng mga da­mit ko sa maleta. Kitang-kita ko ang sarili ko habang isa-isang niro-roll ‘yun mga damit at maayos kong isinasalansan sa maleta. Iyon lang ang natandaan ko kasi ginising na ako ng asawa ko.

Read More

Natalo sa badminton

Napanaginipan kong naglalaro raw ako ng badminton pero hindi ko kilala ang kalaban ko. Takbo raw ako nang takbo at panay ang habol dahil magaling daw ang kalaban ko hanggang sa natalo ako. Iyon lamang ang naaalala ko sa panaginip ko hindi ko na maalala kung paano nagtapos ang panaginip ko basta alam ko masama ang loob ko dahil talong-talo ako ng kalaban ko. Sa panaginip ko, kilala ko ‘yung kalaban ko pero nang ma­gising ako kahit tanda ko ang mukha niya ay sure naman ako na hindi ko siya kilala.

Read More

Sunog sa kapitbahay

Ang aking napanaginipan po ay nasusunog ang bahay ng aming kapitbahay pero naagapan naman po ito. At ako po ang umapula o pumatay sa huling liyab ng apoy kasi akala nila tapos na ang sunog pero may natitira pa kaya ako na po ang nagbuhos ng tubig po. Ano po ang kahulugan ng panaginip ko?

Read More

Hinabol ng mga bubuyog

Napanaginipan kong hinahabol daw ako ng mga bubu­yog, ‘yung mga honeybee madami sila kaya takbo raw ako nang takbo. Hindi naman ako nakagat ng bubuyog dahil nagising na ako. Ano po ibig sabihin ng panaginip ko?

Read More

Bandana

Napanaginipan kong nasa bahay lang ako tapos may napansin akong nakakalat na bandana o scarf na kulay red. Hindi sa akin ‘yung scarf kaya hinawakan ko ito at sinipat-sipat habang iniisip ko kung sino ang may-ari ng red bandana. Iyon lang ang naalala kong part ng panaginip ko. Ano po ang ibig sabihin ng red bandana sa panaginip?

Read More

Punong nalalagas ang mga dahon

Napanaginipan kong nakatayo ako sa ilalim ng puno tapos bigla na lamang daw naglaglagan ang mga dahon. May dahon na tuyo at kahit dahon na maberde pa ay nagbabagsakan na rin sa kinatata­yuan. Hindi ko rin po maalala kung anong klaseng puno. Ano po ang ibig sabihin ng pa­naginip ko?

Read More