Shabu, valium package sa bodega ng DHL

Nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) ang may 71.6 gramo ng shabu at 97 tableta ng valium na nagkakahalagang P660,000 na nakaimbak sa isang customs bonded warehouse sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Parañaque panic sa coronavirus

Ligalig ngayon ang mga residente ng isang exclusive subdivision sa Parañaque City kung saan maraming nakatirang Chinese national na nagtatrabaho sa mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) dahil sa pangambang kumalat sa kanilang lugar ang kinatatakutang bagong strain ng coronavirus.

2 pang Pinay umuwi galing Iraq

Dalawa pang Pinay na kabilang sa mga pinapauwing overseas Filipino worker (OFW) mula sa magulong bansang Baghdad Iraq ang dumating sa Ninoy Aquino Internatio­nal Airport (NAIA) sa Pasay City, kamakalawa nang hapon.

Fetus tinapon sa kubeta ng NAIA 3

Isang fetus ang natagpuan sa loob ng kubeta sa domestic pre-departure area ng Ninoy Aquino International Airport (NAIA) Terminal 3, Linggo ng umaga.

‘Yakuza’ na tumuntong sa ‘Pinas pina-deport

Isang wanted na 71-anyos na Japanese national na miyembro umano ng Yakuza gang at pugante sa kanilang bansa ang pina-deport ng Bureau of Immigration (BI) sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 3 kahapon.