GabJen panalo sa ratings

Good vibes talaga ang hatid ng tambalan nina Jennylyn Mercado at Gabby Concepcion sa romcom series na “Love You Two.” Sila na kasi ngayon ang kinagigiliwan ng primetime viewers na gabi-gabing nakatutok sa kanilang serye. Lutang na lutang ang chemistry ng dalawa kaya naman bentang-benta sa manonood ang kanilang mga eksena pati na ang kanilang mga dialogue.