Patas na negosyo ang hiling

Sunod-sunod ang utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na busiin uli ang mga kontratang pinasok ng pamahalaan sa mga tinatawag niyang mga oligarko.

Asong pangsalakay

Sa mga unang araw pa lamang ng ­kanyang panunungkulan, sinikap pagtibayin ni ­Pangulong Duterte ang imahe niya bilang numero unong katunggali ng mga oligarko. Bahagi umano ng pangako ng kanyang kampanya – “Change is coming” – ang “­pagwasak sa mga oligarkong nakasilong sa gobyerno.”